|
Inulan ang Bingo sa Amorsolo! |
|
Written by Miggy
|
|
Tuesday, 22 July 2008 |
Inulan ng biyaya at pa-premyo ang mga maswe-swerteng taga-Amosolo sa Bingo na handog ng UPIS batch88 nuong Hulyo 19, 2008. Ang pinangakong sampung gantipala para sa sampung pisong card ay ginawang bente, pang tapat sa pagka 20 na taong anibersaryo ng Batch88.
Mainit sa Amorsolo nung hapon na yun... sobrang init ang mga pakulo at nakalilibang ang Bring Me game na kung saan nagpamigay ng sangkatutak na mga vitamins at payong galing sa Generic's Pharmacy ng napakahusay na emcee nating si Nitz Makil-Ignacio at ng walang-katapusang Mama Sita's gift packs na dala ni Mr. Eric Mallari.
Ang lakas ng dating ng 88's... sa pa-gimmick, pa-premyo, pagbigay ng saya at libreng merienda sa mga dumalo. Pero wala tayong sinabi sa mga gwapong politikong nagsi-datingan para mag congratulate sa pag-organize ng activity at makisalu-salo sa kasiyahang naganap. Nagpa-bingo sina Hon. Vincent Belmonte, Hon. Ariel Inton at Hon. Edcel Lagman. Nagpadala ng mga premyo sina Hon. Bernadette Herrera-Dy, Hon. Janet Babes Malaya at Hon. Winston Castello. Dumaan din ang magandang kapatid ni Hon. Bong Suntay na nawiling nakipag-kwentuhan sa maasikasong presidente nating si Prof. Ranjit Rye.
Ang sarap ng pakiramdam ng hapong iyon. Ang sarap manalo sa sobrang daming premyo at pamigay na gift packs.. ang sarap makitang maayos at successful ang pinag-pagurang proyekto... ang sarap magbigay ng aliw at saya sa mga ka-pamilya, kapitbahay at taga UP Campus... ang sarap maging Batch 88!
Congratulations, Monet, Elizel, Arlene, Olive, Polet, Rhea, Toni, Evelyn! Great Job! Nitz and Con, ang galing ninyong mag emcee... as in! Showbiz na showbiz! Thank you to all the sponsors and the batchmates who helped make this project successfull!
PROUD TO BE UPIS, PROUD TO BE 88!
|